top of page

FAST RESPONSE TO THE DRAINAGE CLOG AT SANTOS STREET, COTABATO CITY


Ibinida sa pamamagitan ng isang parada ang Top 10 LET Board Exam topnotcher ng Notre Dame University na si Alzaheer Abubakar para sa Elementary Education kasama ang iba pang nakapasa na siyang binigyan ng pagkilala sa Notre Dame University-Gymnasium, May 29, 2023.


Isa-isa itong pinamartsa upang sila ay bigyan ng

karangalan at masigabong palakpakan dahil nagbunga ang kanilang mga paghihirap at tuluyan nang nakamit ang kanilang mga pangarap, hindi lamang para sa kanilang sarili, kundi pati na rin sa kanilang mga mahal sa buhay.




Ayon naman kay City Mayor Representative ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao, Atty. Nes Biruar Lidasan, mabigat ang tungkulin ng isang guro na siyang mas dinagdagan pa ng kakulangan sa pagsasanay at benepisyo, hindi sapat na kagamitan sa pagtuturo at segunda-manong mga imprastraktura.


Dagdag pa nito, oras, pawis, at kung minsan ay dugo at buhay ang kanilang isinasakripisyo, maggawa lamang nila ang kanilang tungkulin. Ibinibigay ng Cotabato City Government ang pasasalamat nito sa mga magulang na walang sawa ang pagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak, makamit lamang ang kanilang pinapangarap.


Mula naman sa Cotabato City Government sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, Congratulations to our new Licensed Professional Teachers of Cotabato City!

1 view0 comments

Comments


bottom of page