Magandang Balita para sa mga Cotabatenos, narito na ang ECPay ng GCash sa People’s Palace, Cotabato City simula kahapon, June 7, 2023 na maaaring gamitin ng sinumang nais na magcash-in sa kanilang mga accounts at marami pang iba.
Sinubukan ito mismo ni OIC of City Tourism Office Ainee Arumpac, ayon sa kaniya, napakaganda nito dahil sa convenience na hatid nito sa mamamayan pagdating sa cash-in at pagbabayad ng inyong mga bills.
Isa sa mga nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtatransition ng bansa sa pagkakaroon ng cashless transaction o digitalized trading sa bansa. Dahil sa ECPay ng GCash sa lungsod, mas napapalapit na tayo sa nais na makamit ng BSP para sa Pilipinas.
Comments