Binuksan na ang mga bagong install na traffic lights sa kahabaan ng Sinsuat Avenue at Cotabato City Plaza. Layon ng ipinatayong traffic light na maisaayos ang pagmamando ng trapiko at maisasaayos nito ang daloy ng mga sasakyan sa lungsod.
Ayon kay Traffic Enforcement Unit Chief Police Major Rowell Zafra, malaki ang maitutulong ng traffic lights sa mga motoristang dadaan sa lugar lalo’t dumadami na ang mga sasakyan at populasyon sa lungsod.
Inaasahang makakatulong ang mga Traffic Lights at CCTV upang magresolba ang problema sa traffic ng lungsod at makatulong sa pagbibigay ng dagdag seguridad.
Narito ang mga dapat tandaan: Kapag ang signal light ay RED, dapat tumigil, kapag YELLOW mag dahan-dahan at mag hintay at kapag GREEN ibig sabihin nito ay GO puwede kanang magpatakbo ng iyong sasakyan.
Samantala, tulong-tulong ang mga Traffic Enforcers at Philippine National Police (PNP) upang gabayan at masigurong ligtas ang mga motorista.
Comments