Namahagi ng mga wheelchairs para sa mga pasyente ng Cotabato Regional and Medical Center noong, July 22, 2023 ang Department of Health (DOH). Isinagawa ito sa pangunguna ni DOH Secretary Dr. Teodoro Herbosa
Naitalaga siyang bagong DOH Secretary noong ika-5 sa buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Nagpapasalamat naman ang mga pasyenteng nakatanggap ng handog ni DOH Secretary Herbosa, lalo pa't kinakailangan ng malaking salapi bago magkaroon nito.
Ikinagalak naman ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" dela Cruz Matabalao ang tulong na inihandog ng DOH dahil malaking ginhawa na ang mararamdaman ng mga Cotabateños na nakatanggap nito. Nagpapasalamat din ang alkalde na napabilang ang lungsod sa mga nabigyan ng ganitong klase ng tulong mula sa national government.
Comentarios