Kaliwa’t kanan ngayon ang pagbubukas ng mga negosyo sa Lungsod ng Cotabato, lalo na sa larangan ng paghahatid ng pagkain na ibinibida ang mga putaheng ibinibida ang kultura ng lungsod. Isa na rito ang pagbubukas ng Dhey’s Catering Services sa Tamontaka Bubong Road, Cotabato City.
Dinaluhan ito nina Cotabato City Vice Mayor Johari “Butch” Abu at OIC of City Tourism Office of Cotabato Ainee Arumpac. Masisilayan dito ang angking ganda ng The Grand Mosque of Cotabato lalo pa’t isinasaayos na ito na siyang nagpapakinang sa gintong kulay nito.
Patuloy na ginagampanan ng lungsod ang tungkulin nitong maging sentro ng buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pinapanatili ang pagiging business friendly nito upang mahikayat ang mga negosyante na magbukas ng kanilang mga kalakal sa Cotabato City.
Sa pamamagitan nito, ay sama-samang aangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Cotabateno kasabay ng pag-unlad ng Lungsod ng Cotabato.
Comments