Ipinresenta ni City Administrator Atty. Aelan B. Arumpac ang mga napagtagumpayan ng Lungsod sa lingguhang selebrasyon ng Earth Week 2023 sa People’s Palace Lobby ngayong araw, April 20, 2023.
Kabilang dito ang matagumpay na pagtatanim ng 300 mangrove sampling at Coastal Clean-up na umabot sa 30 bags ng basura ang nakuha ng Cotabato City Government. Ang pagsasagawa rin ng Cotabato City Agripreneur ay kasalukuyan pa ring isinasagawa para sa higit dalawampung magsasaka.
Itinanghal na rin ang mga nagwagi sa patimpalak ng lungsod tulad ng Essay Writing Contest, Poster Making Contest at Quz Bee Competition. Nakamit ng mga mag-aaral mula sa District 8 ang kampyeonato sa Quiz Bee Competition, pumapangalawa naman ang District 4 at nasa pangatlong puwesto ang District 8.
Para naman sa essay writing contest, nasa ikatlong puwesto ang Cotabato City National High School – Rojas, ikalawa naman ang Notre Dame RVM College of Cotabato at nakamit naman ng Notre Dame of Cotabato ang kampyeonato.
Parehong nakuha ng Notre Dame University at J. Marquez National High School ang ikatlong puwesro sa Poster Making Contest, at nakuha naman ng Cotabato State Univeristy ang ikalawa at titulo ng pagiging kampyeon sa nasabing kumpetisyon.
تعليقات