Sinimulan na ngayong araw ang pagdiriwang ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ng National Hospital Week 2023 na may temang “Sulong kalusugan: Ospital Maaasahan” na siyang ginanap sa CRMC Grand Auditorium.
Sa mensaheng ipinahatid ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao kay Atty. Nes Hashim Biruar Lidasan bilang kinatawan nito, pinipili ng mamamayan ang mga pampublikong ospital dahil sa mas abot kaya ito kumpara sa mga pribadong ospital, na siyang ayon sa isinagawang survey ng Department of Health (DOH) noong nakaraang taon at 5.5% lang sa mga ito ang sumang-ayon na may excellent service ang pampublikong ospital ng bansa.
Kung kaya’t hiling ng alkalde sa mga opisyal at kawani ng CRMC na magkaroon ng isang sistema na siyang tutulong sa magandang pagbabago para sa ating mga kababayan, lalo pa’t malaki ang parte nito sa pagpapabuti ng healthcare system sa Lungsod ng Cotabato.
Kommentare