top of page
  • Writer's pictureAdmin

COURTESY VISIT OF WESTERN MINDANAO COMMAND


Bumisita sa Palasyo ng Masa noong, October 9, 2023 ang mga opisyal mula sa Western Mindanao Command (WMC) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang sadyain si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao.


Kinabibilangan ito nina COL Franklin Pabic, U2, WMC, COL Wendell Basat, U7, WMC, COL Rogelio S. Gabi, U3, WMC, MGEN Steve D. Crespillo, COM, WMC, MGEN Alex Rillera, COM 6ID, at COL Markton Abo, RCDG, BARMM.


Bilang ang karamihan sa kanila ay bago pa lamang nakarating sa Lungsod ng Cotabato, ibinida ng alkalde kung papaano nito nabago ang “political landscape” ng Cotabato City, kung saan, kahit ordinaryong tao lamang na hindi nanggaling sa isang prominenteng pamilya ay maaaring tumakbo bilang kagawad o Kapitan.


Gayunpaman, may mga pagsubok pa rin na kinakaharap ang administrasyong para sa lahat, tulad ng mga kandidatong nagbabalak na manakot ng mga botante sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Election 2023. Sa kabila nito, sinisigurado ng alkalde na walang puwang ang masasamang elemento sa Cotabato City.

1 view0 comments
bottom of page