Nais ni Generose Tecson , Satellite Lead Davao OVP na maglagay ng satellite office ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa Lungsod ng Cotabato kung kaya’t personal itong nakipagkita kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao ngayong araw, sa People’s Palace, Cotabato City.
Ayon ito sa kagustuhan ni Vice President Duterte upang mas mapadali ang kanilang paghahatid ng serbisyo sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Isang satellite office ang nasa Luzon, dalawa naman para sa Visayas at tatlo para sa Mindanao.
Sakop ng kanilang opisina ang mga lugar na nakapaloob sa Southern Mindanao kung saan napapabilang ang Cotabato City. Matatandaang naghatid ng tulong ang kanilang opisina para sa mga naapektuhang residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng bagyong Paeng noong nakaraang taon.
Ikinatuwa naman ito ng alkalde sapagakat magkakaroon ng dagdag na kaakibat ang lungsod sa paghahatid ng serbisyo-publiko hindi lamang para sa Cotabatenos kundi maging sa mamamayang Bangsamoro.
Comments