top of page
  • Writer's pictureAdmin

COURTESY VISIT OF THE ASIA FOUNDATION


Bumisita si The Asia Foundation Program Officer for BRIDGE Project Manager, Engr. Misuari “Jake” Abdillah, kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ngayong araw, March 22, 2023, upang talakayin ang mga actibidades ng Bridge Project na gagabay sa pagpaplano ng Phase 2 ng Project (Countering Violent Extremism through Government and Civil Society Engagement) (CONVERGE) sa loob ng tatlong taon.



Binigyang diin ni Engr. Abdillah na patuloy ang suporta at pakikipag-ugnayan ng TAF sa City LGU upang matukoy at epektibong matugunan ang mga pangangailangan ng mga Cotabateños sa usapin ng community resilience.

Nabanggit din ni Engr. Abdillah ang plano ng TAF na magkaroon ng local fellowship sa susunod na buwan at international study tour kasama ang 15 LGUs sa BARMM kabilang na ang Cotabato City.


Pinasalamatan naman ni Mayor Bruce Matabalao ang TAF sa walang sawang suporta na binibigay nito sa City Government sa pagtupad ng moral governance.


1 view0 comments
bottom of page