Ipinakita ng mga inhinyero mula sa Support To Local Governance (SLMG) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao ang mga infrastructure projects na maaaring isagawa sa Cotabato City sa susunod na taon.
Kabilang sa mga ito ay dalawang (2) Multipurpose Buildings, tatlong (3) Covered Courts, tatlong (3Waiting Sheds, tatlong (3) Warehouses na balak ipatayo sa Cotabato City. Nagbigay na rin ng mga target areas ang alkalde sa panahong maaprubahan ang mga nasabing proyekto.
Magkakaroon ng Multipurpose Building, Covered Court at Waiting shed ang barangay ng Poblacion 8, Ganoon din ang para sa Rosary Heights 10, partikular na sa likod ng People’s Palace. Balak namang ipatayo sa Tamontaka Mother ang isang waiting shed at ang dalawang (2) warehouse naman ay ilalagay sa Rosary Heights 10 at Poblacion 9.
Sa ngayon, kasalukuyang itinatayo ang mga proyektong naaprubahan noong 2021. Ilan lamang ito sa mga nakatakdang ipapatayong mga pasilidad sa Cotabato City sa tulong ng iba’t ibang ahensiya para sa ikabubuti ng lungsod.
Comentarios