top of page

COURTESY VISIT OF ROTARY INTERNATIONAL TO PEOPLE’S PALACE


Isasagawa ng Rotary International ang kanilang District Conference kung saan, aabot sa 350 delegates mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang dadalo at makakakita ng pagbabagong nangyayari sa lungsod na siya namang labis na ikinatuwa ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao.



Sa pangunguna ni Angelo “Biong” Ladub, Distric Governor of District 3870 personal nitong tinungo ang alkalde kasama sina Dennis T. Francisco, Erlwyn Deluvio, Joseph Siva, Crisanto Saavedra, Bai Zennia Sinsuat, Jun Gicana, Anwar Malang, Mustapaha Ala Jr. at Lobisco Alvarez.


Magsasagawa rin sila ng paglilibot sa lungsod upang mas makilala ang Cotabato City sa tulong ni Office of the City Tourism Officer Ainee Arumpac. Hiniling nilang dumalo ang alkalde sa kanilang Governor’s Night upang personal na tatanggapin ni Mayor Matabalao ang mga bisita ng lungsod na siya namang agarang inaprubahan ng alkalde.


Isa ito sa mga pagkakataong maipapakita ng Cotabatenos ang kanilang pinakamamahal na lungsod at kung ano ang kaya nitong ihatid at patunayan laban sa mga haka-haka patungkol sa kasalukuyang estado ng Cotabato City.


Upang masiguro naman ang kaligtasan ng mga bisita ay papataasin ang police and security visibility ng lungsod alang-alang sa kanilang magandang pagpasok sa Cotabato City.

1 view0 comments

Comments


bottom of page