top of page

COURTESY VISIT OF PHILIPPINE MARINES TO MAYOR


Bumisita ang mga opisyal mula sa Philippine Marines upang mapag-usapan ang kanilang pagpasok sa lungsod at mas mapaigting ang seguridad ng Cotabato City na siyang ikinagalak ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao.


Sina Col Dioneda CS, /MBDE, LTCOL Gonzaludo, CO, MBLT-5 at MAS VI Dongue, EX, O-MBLT-5 ang personal na nakipagkita kay Mayor Para sa Lahat Matabalao upang maimungkahi ang kanilang mga kinakailangan at makapagbigay ng epektibong seguridad sa lungsod.


Ayon naman kay Mayor Para sa Lahat Matabalao, isa sa mga patuloy na kinakaharap ng lungsod ay ang karahasan ng mga masasamang elemento mula sa labas ng Cotabato City. Aniya, ang mga nangyayaring kaguluhan ay nagmumula sa labas at nadadamay lamang ang lungsod sa kanilang mga engkwentro.




Mananatili ang kanilang Philippine Marines sa Rosary Heights 9 kung saan, ito ay may strategic location dahil mas marami silang lugar na masasakop at mas mapapadali ang kanilang pagronda at pagbibigay ng serbisyo sa panahon ng pangangailangan. Maglalagay rin ang kanilang grupo ng checkpoints sa lungsod sa panahong opisyal na silang madedestino sa Cotabato City.


Personal namang tinungo ni Mayor Para sa Lahat Matabalao ang magiging kampo ng Philippine Marines upang mas makita ng alkalde ang mga kakailanganin ng kanilang hukbo nang sagayon ay mas mapadali ang kanilang pananalagi sa Lungsod ng Cotabato.

1 view0 comments

Comments


bottom of page