Nagkaroon ng makabuluhang usapan sa pagitan nina Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao at National Bureau of Investigation Director Victor John Paul Ronquillo sa People’s Palace, Cotabato City.
Isa sa kanilang napag-usapan ay ang pagbubuo ng kooperasyon sa pagitan ng Cotabato City Government at ng NBI para sa mas epektibong pagpapanatili ng kapayapaan sa Lungsod ng Cotabato.
Ipinaramdam ni Mayor Matabalao sa kanilang ahensiya ang kagustuhan nitong maging ligtas ang sinumang tatapak sa Lungsod ng Cotabato.
Sinisigurado naman ni Director Ronquillo na ibibigay nila ang anumang kinakailangan ng lungsod upang matuldukan ang mga nagnanais na manggulo sa Cotabato City.
Ito rin ang naging tugon ng alkalde sa ahensya, na kanilang ibibigay ang kung ano mang kailangan ng NBI para sa tuluyang pagpupuksa ng masasamang elemento sa Cotabato City.
Commenti