top of page
  • Writer's pictureAdmin

COURTESY VISIT OF MP MANTAWIL TO THE PEOPLE’S PALACE


Ikinatuwa ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao ang pagbisita nina Member of Parliament (MP) Ballene Mantawil At ni Bangsamoro Free Elections Movement (BFEM) Chairperson Atty. Baidonna Dilangalen sa Palasyo ng Masa noong, October 10, 2023.


Naging laman ng kanilang usapin ay ang kasalukuyang kalagayan Cotabato City pagdating sa peace and order at ang kahandaan ng security forces ng lungsdo sa darating na Barangay and Sangguninang Kabataan Elctions (BSKE) ngayong ika-30 sa buwan ng Oktubre.


Sinigurado naman ni Mayor Para sa Lahat Matabalao na handing-handa ang Cotabato City kasama ang Inter-Agency Task Force Kutawato (IATFK) na siyang poprotekta sa mga botante at sibilyan sa panahon ng eleksyon.




Ibinahagi rin ng alkalde na may mga pwersa na ang nagsisimulang manakot, lalong lalo na sa mga kababayang Kristiyano na kaniyang ikinakadismaya at ikinagagalit. May mga nakabinbin na rin na mga disqualification cases na inihain ng iba’t ibang partido na siyang isasailalim sa matinding imbestigasyon.

1 view0 comments
bottom of page