Tagumpay ang naging pagpupulong ng BARMM Ministry of Environment and Natural Resources (MENRE) sa pangunguna ni BARMM MENRE Minister Akmad Brahim kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ngayong araw, ika-30 ng Marso 2023.
Isa sa mga naging highlight ng pagpupulong ang opisyal na pagturn over ng MENRE BARMM sa City Government ng 40 trashbins na naglalayong magkaroon ng proper waste disposal at madagdagan ang kamalayan sa paghihiwalay ng basura ng mga Cotabateños.
Sinabi ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao na ang tagumpay ng mga donated trash bins ay mangangailangan ng kooperasyon ng mga barangay. Binigyang diin din ni Mayor Matabalao na may mga interbesyon ang City LGU para sa mga proposals sa waste management at environmental plans partikular na sa relocations.
"Inaasahan natin na ang bawat barangay ay maging prime movers na mangunguna sa kanilang mga nasasakupan laban sa basura," ani ni Mayor Matabalao. Idinagdag niya na ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay laging handang tumulong sa mga barangay sa pagtugon sa isyung ito.
Minungkahi naman ni Minisgter Brahim na isama ang mga hospital waste management sa mga plano ng CENRO upang magkaroon ng permanenteng solusyon sa basura sa lungsod at sa kabuuan ng rehiyon ng BARMM.
Kasama ni Minister Brahim sina Director General Atty. Badr Salendab, Director II Jalani Pamlian, CPD Chief Nasser Nawal, SWM Chief Abdulmaoti Akmad, EMED Chief Amier Ashan Aplal at Planning Division Chief Jessie Ondoy.
Commentaires