Land Transportation Franchising and Regulatory Board - BARMM kasama ang Ministry of Transportation and Commissions sa People's Palace, Cotabato City.
Nais nilang ipabatid na operational na ang LTFRB-BARMM matapos maiturn-over na sa kanila ang responsibilidad na magbigay ng prangkisa sa mga nais kumuha nito.
Kabilang na rin dito ang usapin sa pagsasaayos ng South Bound Route na maaaring kumonekta sa Cotabato City sa mga karatig probinsya nito. Magkakaroon rin ng Joint Operation sa pagitan ng Cotabato City Government at LTFRB-BARMM sa pagpapatupad ng batas trapiko sa loob ng lungsod.
Ikinatutuwa naman ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" Dela Cruz Matabalao na naibigay na sa kanila ang katungkulan na magreresulta sa mas mabilis na kooperasyon sa pagitan ng Cotabato City Government at LTFRB-BARMM.
Comments