top of page

COURTESY VISIT OF IBP DELEGATES TO MAYOR PARA SA LAHAT


Sa pangunguna ni President of The Integrated Bar of the Philippines (IBP) Antonio C. Pido, bumisita ang mga opisyal at miyembro ng kanilang organisasyon upang makita at makausap ng personal si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao ,noong,September 25, 2023.


Lubos namang ikinatuwa ng alkalde ang kanilang pagbisita, lalo pa’t ang mga opisyal mismo ng kanilang organisasyon ay sinadyang makita at makilala siya. Ayon pa kay IBP President Pido, kung may kinakailangan man ang alkalde sa kanila, ay gagawin nito ang kanilang makakaya, makapagbigay lamang ng serbisyo sa kaniyang administrasyon.


Kabilang na rito ang mga usapin tulad ng disbarment cases na maaaring sila mismo ang kikilos para sa alkalde. Pabiro namang sumagot si Mayor Para sa Lahat Matabalao na mayroon itong pwedeng ilapit sa kanila, na siyang namang nag-udyok na mapuno ng tawanan ang kaniyang buong opisina.




4 views0 comments

Comments


bottom of page