Bumisita noon, September 21, 2023 si Department of Information and Communications Technology (DICT) Maguindanao Provincial Officer (ITO-II) Engr. Manan L. Butongkay kasama sina Engr. Alla-von Macarimbang, Provincial Project Coordinator (ITO-I) at Engr. Mark Victor S. Belen sa People’s Palace, Cotabato City.
Sila ay pinaunlakan ni Atty. Nes Hashim Biruar Lidasan bilang kinatawan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao. Naging laman ng kanilang diskusyon ang pagbuo sa ICT Council sa pangunguna ng Cotabato City Government at ang pagbabago ng lungsod tungo sa pagiging isang digital city.
Isa sa mga magiging tungkulin ng ICT Council ay ang paghihikayat sa mga investors na maglaan ng kanilang kapital sa Cotabato City. Kabilang na rito ay ang mga Business Process Outsourcing (BPO) companies na siyang magbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.
Comments