top of page

COURTESY VISIT OF CSC – BARMM TO THE PEOPLE’S PALACE

  • Writer: Admin
    Admin
  • Apr 5, 2023
  • 1 min read

Malugod at mainit na pagtanggap ang ibinigay ng Cotabato City Government sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao sa mga kawani ng Civil Service Commission - Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CSC-BARMM) sa pangunguna ni Director II Dominador E. Gonzales Jr. CSC Field Office – Cotabato City ngayong araw, March 29, 2023.


Isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang isasagawa nitong development sa kanilang sistema pagdating sa pagpapalago ng kakayahan ng mga empleyado sa Cotabato City Government. Kasama rin dito ay ang pagsasaayos ng mga dokumento dahil ganap nang pasok ang Cotabato City sa CSC-BARMM.


May isasagawa ring pagsasaayos ng kanilang opisina ang CSC-BARMM na dating opisina ng CSC-Region XII. Nagsasagawa rin sila ng plano na pataasin ang quota ng examinees upang mas marami silang makuha dahil isa ito sa mga naging issue ng CSC-BARMM sa mga nagdaan na eksaminasyon.

 
 
 

Comments


Use this space to introduce yourself and share your professional history.

  • White Facebook Icon
  • White Blogger Icon
  • White Twitter Icon
  • White Instagram Icon
bottom of page