Layunin ng Cotabato Light and Power Company (COLIGHT) sa pangunguna nina Engr. Valentin S. Saludes III, President & COO at Arlene Valdez-Hepiga, Reputation Enhancement Supervisor, na mapag-usapan ang adhikain ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao na maisakatuparan na ang pagkakabit ng LED lights sa major roads ng Cotabato City.
Isinagawa ito ngayong araw, March 29, 2023, kung saan, nagkaroon ng produktibo at makabuluhang diskusyon sa pagitan ng Cotabato City Government at Colight. Isa na rito ay ang pagpapalit ng street lights mula sa Sodium type ay gagawin na itong LED na may 210 wattage. Maisasakatuparan lamang ito kapag nailabas na ng Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance na siyang magsisimula sa Sinsuat Avenue.
Inihatid din nila ang kanilang draft ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa Pinas Bilis Program. Ang Pinas Bilis Program ay isang uri ng training na tutulong sa Local Government Unit ng Cotabato City na gampanan ang kanilang responsibilidad bilang kawani ng gobyerno.
Magkakaroon rin ng transfer ng linya ng kuryente ng Quirino Bridge papunta sa Tamontaka upang masimulan na ang pagsasaayos ng tulay. Habang isinasagawa ito, tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng kuryente sa mga lugar na sakop ng kanilang kumpaniya.
Maliban pa rito, ikinalulugod din ibalita ni Mayor Matabalao ang nalalapit ng installation ng Traffic Lights at CCTV ng Cotabato City. Aniya, ito na lamang ang kulang dahil tapos na ang pagdurugtong ng fiber optics at iba pang mga kagamitan upang maging operational na ito.
Kabilang rin sa kanilang mga napag-usapan ay ang pagpasok ng renewable energy sa lungsod. Ikinatutuwa ng Colight ang mga residenteng nagsisimula nang magpakabit ng mga renewable sources of energy tulad ng solar panels. Kung may nagegenerate man silang sobrang kuryente ay maaari itong bilihin ng kanilang kumpaniya.
Sa pamamagitan din nito, makatutulong ito sa paglaban sa climate change na kasalukuyang nararamdaman ng Cotabato City.
Comments