Bumisita ngayong araw ang mga bagong Attorneys ng Lungsod ng Cotabato mula sa Notre Dame University kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao sa People’s Palace, Rosary Heights 10, Cotabato City.
Nagpakilala isa-isa ang nasa 27 bagong abogado ng lungsod na ang iilan sa kanila ay nagtatrabaho na sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. Ikinatuwa naman ito ni Mayor Matabalao dahil mas marami na ang maaaring tutulong sa ating mga kababayan sa usaping legal. Inialok naman ng alkalde na lumahok ang mga bagong abogado sa isasagawang libreng legal consultation sa Araw ng Cotabato na siya nilang sinang-ayunan.
Comments