top of page
  • Writer's pictureAdmin

COURTESY VISIT of Bangsamoro Information and Communications Technology Office (BICTO)


Bumisita ang mga opisyal ng Bangsamoro Information and Communications Technology Office (BICTO) kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao na kinabibilangan nina Datu Raffy Ralph S. Sinsuat, Acting Head ng IG Infrastructure and Services Division, Arnold S. Cararag, isang Cybersecurity Specialist, at Dr. Jonathan M. Mantikayan, ang Executive Director ng BICTO.


Isa sa dalawang layunin ng BICTO sa pakikipagkita sa alkalde ay ang binabalak nitong pagpapatayo ng Data Center sa lungsod na siyang magiging sentro ng mga datos ng Bangsamoro Region. Nais nito bumuo ng partnership sa pagitan ng lungsod at ng kanilang opisina upang maisakatuparan ito. Makakabenepisyo naman ang lungsod dahil mamimigay sila ng free internet sa mga government offices.


Ang pangalawang nais naman nila maisakatuparan ay ang paglulunsad nila ng ICT Month sa buwan ng Hunyo kasabay sa isasagawang pagdiriwang ng Araw ng Cotabato na siyang magsisimula sa May 20 at magtatapos ng June 20, 2023. Maliban pa rito, nais din nila magsagawa ng trainings sa mga empleyado ng Cotabato City Government upang maisakatuparan nito ang tuluyang digitalization ng mga proseso sa loob ng palasyo.


Sumang-ayon naman ang alkalde sa mga ipinahayag ng BICTO lalo pa’t may mga prominenteng tao mula sa National Government ang dadalo sa nasabing okasyon. Tutulong ito sa lungsod na mas makilala pa sa buong bansa at maipakita ang kakayahan ng Cotabato City pagdating sa pagtanggap ng bisita mula sa ibang bayan o lalawigan.

1 view0 comments
bottom of page