top of page

COURTESY VISIT FROM THE OFFICE OF THE PRESIDENT


Tinungo ng mga opisyal at kawani ng Opisina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang makilala at makausap mismo si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao hinggil sa pagpapatibay ng kooperasyon sa pagitan ng nasyunal at lokal na pamahalaan ng bansa.


Kabilang sa mga siyudad na kanilang sasadyain ay ang Lungsod ng Zamboanga at Lungsod ng Davao. Layunin ng mga ito sa pagbisita ng mga lungsod sa Mindanao ay malaman ang kasalukuyan at pinaplanong hakbang ng mga lokal na pamahalaan laban sab anta ng terorismo o panggugulo sa kani-kanilang lugar.


Binibigyang diin nito na lubos na maaapektuhan ang mga vulnerable at conflicted-area communities kung kaya’t ang agarang aksyon laban dito o plano kung papaano ito masugpo ang siyang nagbibigay halaga rito.


Pinaalam naman ng alkalde na masigasig ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato City sa paglaban at tuluyang pagpigil sa mga nais manira o manggulo sa lungsod.


Sa tulong ng mga security forces ng lungsod, lalong-lalo na ang Inter-Agency Task Force Kutawato, ay mas nagiging epektibo at mas malakas ang puwersa ng lungsod laban sa masasamang loob.



1 view0 comments

Comentarios


bottom of page