Umaga pa lamang ay tumungo na ang mga motorcycle riders ng Cotabato City at ng iba pang lugar upang magparehistro sa Cotabatourism Endurance Ride kahapon, September 9, at nagsimula naman ngayong araw ang kanilang paglalakbay , September 10, 2023 na siyang sinimulan sa People's Palace, Cotabato City.
Sinimulan sa isang fireworks display ang pagdiriwang bago sinimulan ang kanilang paglalakbay. Daan-daan sa mga ito ang nakilahok at bawat isa ay kumpleto ang safety gears upang masiguro na sila ay ligtas habang tinatahak ang kanilang ruta.
Ang pagsuporta sa mga motorista sa Cotabato City ay nakatutulong sa pagbuo ng mga grupong tumutulong upang maipalaganap ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pakikisama.
Comments