top of page

COTABATO STATE UNIVERSITY INTRAMURALS 2023

  • Writer: Admin
    Admin
  • May 10, 2023
  • 1 min read

Sinalubong ni hiyawan, sayawan at kantahan ang isinagawang pagbubukas ng intramurals ng Cotabato State University ngayong araw, May 08, 2023 na siyang dinaluhan ng mga mag-aaral ng unibersidad maging ilang mga Cotabateno nan ais masilayan ang selebrasyon.


Magtutunggali ang mga estudyante mula sa iba’t ibang departamento sa larangan ng pagpapamalas ng kahusayan sa liksi at lakas ng pangangatawan, tagisan ng talino, at iba pang patimpalak na masusubok ang buong kakayahan ng bawat mag-aaral.


Isa ito sa mga natatanging pagkakataon na maaaring gamitin ng bawat estudyante na patunayan kung sino at kung saang departamento nagmumula ang pinakamahusay sa buong unibersidad. Kung kaya’t kapansin-pansin ang determinasyon ng mga ito na patunayan ang kanilang mga sarili.



 
 
 

Comments


Use this space to introduce yourself and share your professional history.

  • White Facebook Icon
  • White Blogger Icon
  • White Twitter Icon
  • White Instagram Icon
bottom of page