COTABATO CITY - Tinungo mismo ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" Matabalao ang pormal na pagbibigay ng Ministry of Labor and Employement (MOLE) ng Set-A-Kart sa ilalim ng kanilang Bangsamoro Integrates Livelihood Program (BILP) ngayong araw, ika-19 sa buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Ayon kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, nasa 20 beneficiaries o local vendors ang makakatanggap nito. Mayroon itong cooking tools and equipment na siyang magagamit ng mga makakatanggap nito.
Nagpahayag din ng kanyang lubos at taos-pusong pasasalamat si Mayor Matabalao kay Minister Muslimin G. Sema para sa proyektong ito at lahat ng iba pang proyekto at programa mula sa MOLE.
Base naman sa mensahe ni Engr. Dimaporo Diocolano, Supervising Labor and Employment Office/MOLE CCFO Head, ang adhikain ng programang ito ay maliban sa matulungan ang mga vendors, nais nilang mas mapataas pa ang antas ng kanilang operasyon at mabigyan ang mga ito ng angkop na kagamitan.
Maliban pa rito, ang matitipid nilang salapi mula sa pagpapaayos ng kanilang mga lumang kagamitan ay maari na nilang mailaan sa iba pa nilang pangagailangan tulad ng pagkain, damit o di kaya'y pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Comments