top of page
  • Writer's pictureAdmin

COTABATO CITY FIRE STATION HOLDS ON-THE-SPOT PAINTING CONTEST


Matagumpay na isinagawa ng Cotabato City Fire Station sa pangunguna ni City Fire Marshall Lucille B. Jusay ang On-the-spot painting contest sa Cotabato City Fire Station kahapon, 22 March 2023.


Nilahokan ng limang (5) estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ang kompetisyon na nakaangkla sa temang Role of Women in Nation-building.


Ang bawat kalahok ay binigyan ng isang oras upang ipamalas ang kanilang angking galling sa larangan ng sining.



Narito ang mga nagwagi sa painting contest: 1st Place (Php5,000): Al-Sharif Uday (Cotabato State University) 2nd Place (Php4,000): Prince Al-Mansour Namla (STI) 3rd Place (Php3,000): John Hakeem Sinsuat (Coland) 4th Place (Php2,000): Mark Lapura (STI) 5th Place (Php1,000): Princess Aice Tac-an (STI)



Ayon naman kay City Fire Marshall Jusay, buong suporta ang inihandog ng City Government of Cotabato sa liderato ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao para sa Fire Prevention Month at binigyang-diin din niya na lahat ng aktibidades ng City Fire Station ay sponsored ng City LGU.

2 views0 comments
bottom of page