top of page

COTABATO CITY EYES TO PIONEER ISLAMIC BANKING IN PARTNERSHIP WITH MAYBANK GROUP, ENDORSED


Sa isang makasaysayang pagbisita, ang kinatawan ng Malaysia na si Malaysian Ambassador to the Philippines, His Excellency Dato’ Malik Melvin, ay nakipagpulong kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ngayong araw sa People’s Palace. Layon ng pagpupulong na itaguyod ang inklusibong pag-unlad sa pamamagitan ng pagpapakilala ng Islamic Banking sa lungsod.


Sa pagsasama-sama ng Maybank Group, pinangunahan ni Abigail Tina M. Del Rosario, President & CEO ng Maybank Philippines at Country Director, ang delegasyon sa mga usaping pang-ekonomiya at pinansyal.


Binigyang-diin nila ang pangako sa pag-promote ng financial inclusion at diversity.

Naniniwala ang grupo na ang Cotabato City ay may natatanging oportunidad na maghatid ng serbisyo ng Islamic Banking.


Tinalakay sa pulong ang potensyal na benepisyo ng Islamic Banking sa rehiyon, kasama na ang pag-unawa sa mga kinakailangang regulasyon at pagsunod mula sa lokal na awtoridad. Ayon sa Maybank Group, mayroon silang kumpiyansa na ang inisyatibong ito ay mag-aambag nang malaki sa paglago ng ekonomiya at pampinansyal na kapangyarihan hindi lamang ng Cotabato City kundi pati na rin ng buong rehiyon ng BARMM.





Kasama rin sa pagpupulong ang mga kilalang personalidad mula sa embahada ng Malaysia at Maybank, kabilang sina Mr. Shukri Ahmad, Counsellor ng Malaysian Embassy Manila; Rajagopal Ramasamy, Chief Risk Officer; Nor Shahrizan Sulaiman, Deputy CEO; Artificio T. Lacang, Jr., Region Head for Visayas-Mindanao; at Valerie May I. Cruz, Chief of Staff to the PCEO & Country Director.


Sa panig naman ng Cotabato City, dumalo rin ang mga pangunahing miyembro ng business chambers kabilang sina Cotabato Grocers’ Association President Mr. Oscar Tan-Abing, Metro Cotabato Chamber of Commerce and Industry Foundation President Mr. Pete Marquez, Cotabato City Chamber and Commerce Atty. Eugenio Soyao, Deputy Mayor for Chinese Narciso Yu Ekey at Cotabato City Bankers’ Association President Gabriel Calungsod na lahat ay nagpahayag ng suporta sa naturang hakbangin.



Ang pagpapalakas ng Islamic Banking sa Cotabato City ay isang malaking hakbang patungo sa mas inklusibong pananalapi na inaasahang magbibigay daan para sa mas malawak na pag-unlad ng ekonomiya at panlipunang kapakanan ng BARMM Region.

7 views0 comments

Comments


bottom of page