Isinagawa sa araw na ito ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan na siyang pormal na inilunsad sa People’s Palace Lobby, Rosary Heights 10, Cotabato City na siyang namang pinangunahan ng City Youth Development Office sa pamumuno ni OIC - City Youth Development Office Farina Mae C. Guinai, LPT.
Ayon sa mensahe ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao, nasa 15 barangay ang nakilahok sa nasabing selebrasyon, na siya namang nagpapatunay sa kakulangan ng partisipasyon ng mga Sangguniang Kabataan (SK) sa ilang barangay, na siyang di nararapat. Kahilingin nito na sana’y mas maging aktibo pa sila alang-alang sa mga kabataan ng Cotabato City.
Ibinahagi naman ni OIC – City Youth Development Office Guiani ang mga isasagawang mga aktibidades para sa mga kabataan ng lungsod tulad ng Job Skills Training, Job Fair, Tiyakap Binatang, Youth Summit, Quiz and Spelling Bee, HipHop and Solo Singing Competitions, Essay Writing Contest, Spoken Poetry at Battle of the Bands.
Kommentare