Nakipagpulong ang Office of Civil Defense BARMM sa pangunguna ni Regional Director Hamid Bayao kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao at Secretary to the Mayor Guianodin Abdillah ngayong araw sa People’s Palace. Kasama ni Regional Director Bayao sina DRRM Division Chief Myrna J. Angot, Civil Defense Officer Gecile Gonzales, Civil Defense Officer III Jofel Delicana, Information Officer II Nyll Tapia at Muhamadali Sulaiman.
Layunin ng Coordination Meeting na mas paigtingin at palakasin ang mga inisyatibo at aktibidades patungkol sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at bumuo ng mga estratehiko at sistematikong pamamaraan gayundin ng mga hakbang upang mabawasan ang mga
kahinaan at panganib at pamahalaan ang mga kahihinatnan ng mga sakuna.
Napag-usapan din ang mga gaps, challenges, and commitment ng OCD BARMM noong Bagyong Paeng kung saan binigyang diin ang disaster response ng ahensya sa LGU Cotabato. Dagdag dito, inirerekomenda rin ni Mayor Matabalao na siya ring Chairperson ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) na palawakin ang membership ng LDRRMC upang maisama ang mga accredited community disaster volunteers.
Sinabi naman ni Director Bayao na handa ang OCD BARMM na magbigay ng mga patnubay sa akreditasyon, mobilisasyon at proteksyon ng mga accredited community disaster volunteers.
Hinimok naman ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao na gawing pormal ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement at pag-aralan ang mga potensyal na mga polisiya upang paunlarin at tiyakin ang pagpapatupad ng mga pambansang pamantayan sa pagsasagawa ng disaster risk reduction programs katulad ng preparedness, mitigation, prevention, response, at rehabilitation work galling sa data collection at analysis, planning, implementation, monitoring and evaluation.
Bilang attached bureau ng Department of National Defense (DND), ang OCD ay nangangasiwa ng isang komprehensibong pambansang depensang sibil at programa sa pagbabawas ng panganib sa kalamidad at pamamahala.
Comments