Pormal nang nilagdaan ng Local Government Unit (LGU) ng Cotabati City at United Nations Children's Fund (UNICEF) ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagpapatupad ng mga proyekto na higit na magpapalakas sa mga programang pangkabataan sa pamamagitan ng collaborative, integrated at sustainable programming at strategic reforms para sa lungsod.
“Cotabato City is a priority LGU for UNICEF Philippines. We look forward to delivering effective and sustained results for children. We stand ready, ready to collaborate, and we are here and will be with you for the protection of every child’s right,” said Oyun Dendevnorov, UNICEF Philippines Country Representative.
Sa ilalim ng partnership sapagitan ng Cotabato City Government at UNICEF, ang dalawang organisasyon ay susunod sa mga prinsipyo ng pamamaraang nakabatay sa karapatan sa pag-unlad, partikular na ang pagkakapantay-pantay, pananagutan, atensyon sa mga vulnerable groups, partisipasyon ng mga tao, tuntunin ng batas at kakayahan sa pambatasan, transparency at empowerment.
Ang mga Partido sa MOU ay magpapadali at magbabahagi ng mga resources, skills and approaches upang makamit ang mga layunin ng partnership na may partikular na pagtuon sa pagpapalakas ng lokal na kapasidad ng Lungsod ng Cotabato na maghatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan para sa mga bata at Pamilyang Cotabateno.
Ang MOU ay nilagdaan nina Oyun Dendevnorov, UNICEF Philippines Country Representative at Cotabato City Government City Legal Officer, Atty. Sahara Alia J. Silongan. Sinaksihan naman ito ng mga kawani ng gobyerno ng Cotabato City Government, partners mula sa UNICEF at iba pang mga partner NGOs, at child representatives sa lungsod.
Comments