Kinasa ng City Health Office of Cotabato sa pamumuno ni Dr. Harris R. Ali ang ‘Oplan Dikit Sticker” na naglalaman ng paalala hinggil sa Anti-Smoking Campaign na siyang inilagay sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) na dumaraan sa Cotabato City.
Maliban sa nakakasama ito sa kalusugan ng taong gumagamit ng sigarilyo, ay mas malaki ang epekto nito sa nakakalanghap ng usok na tinatawag na second hand smoking. Nakakaapekto rin sa kalusugan, lalong-lalo na sa mga kabataan kapag dumikit ang mga kemikal sa kasuotan at sinumang makalanghap nito ay apektado ng tinatawag na third-hand smoke.
Ilan lamang ito sa mga kadahilanan kung kaya’t pursigido ang mga opisyal at kawani ng City Health Office na tuluyan nang mapuksa ang mga ganitong klase ng aktibidad at kasanayan sa lungsod. Kasabay din nito ang pagsasagawa ng “Oplan Pulot Upos” sa downtown area na magsisimula ngayong araw, October 16 hanggang bukas October 17, 2023.
Alinsunod ang lahat ng ito sa City Ordinance 4581 series of 2018 o ang Smoke Free Environment Ordinance of Cotabato City. mas pinalakas pa ang pagpapatupad nito ngayon sa Cotabato City dahil sa tumataas na bilang ng namamatay dahil sa cigarette addiction at second-hand smoke.
Hinihikayat ng City Health Office at ng buong Cotabato City Government sa pamumuno ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao na makiisa sa aksyon na ito alang-alang sa kinabukasan at kalusugan ng bawat mamamayan ng Lungsod ng Cotabato.
Comentarios