Sa unang Lunes sa buwan ng Hunyo, dinaluhan ng mga opisyal at mga kawani ng Cotabato City Government ang opisyal na pagtanggap sa bagong City Administrator ng lungsod na si Abdulwahab Midtimbang sa People’s Palace, Cotabato City.
Pinasasalamatan ni City Administrator Midtimbang si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao at Chief Minister Ahod Ebrahim, Al Haj sa tiwalang ibinigay ng mga ito sa kaniya na siya ay may angking kakayahan na maghatid ng serbisyo para sa ikabubuti ng mamamayang Bangsamoro.
Mainit naman na pagtanggap ang inihatid ng Cotabato City Government sa bagong City Administrator sa pangunguna ng City Treasury Office. Inaaasahan ng lahat na magkakaroon ng nagkakaisa at tulong-tulong na pamamahala ang Cotabato City Government sa pagpasok ni City Administrator Midtimbang.
Comments