Isinagawa ang Cities and Municipalities Competitveness Index (CMCI) Program Orientation and Data Analytics sa Mall of Alnor, Sinsuat Avenue, Cotabato City na siyang pinasinayaan ng Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT) noong May, 08, 2023.
Ipinahatid naman ni Governor of Maguindanao del Norte Hon. Abdulraof Macacua sa kaniyang mensahe na nakalikom ng 475 million pesos worth of investment ang Bangsamoro region.
Katuwang ng MTIT ang Department of Trade and Industry (DTI) at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL). Layunin ng programa na magkaroon ng isang malaliman at makabuluhang diskusyon sa mga karapatan ng mga manlilikha at kung papaano nila ito ipoproseso nang sagayon ay matiyak na sila ay protektado ng batas.
Comments