top of page
  • Writer's pictureAdmin

CEREMONIAL TOSS FOR THE START OF RAMADAN SPORTS FEST AT PEOPLE'S PALACE


Nagpamalas ng kanilang husay sa paglalaro ng basketball ang mga kawani ng Cotabato City Government na siyang isinagawa sa bagong sports plaza ng lungsod sa People's Palace, Cotabato City ngayong gabi, March 28, 2023.


Ang unang laban ay sa pagitan ng Office of the City Mayor (OCM) at Office of the City Administrator (OCA). Naging mainit ang pagtatapat ng dalawang kupunan at makapigil hininga ang kanilang pagsasalitan ng pagpasok ng bola sa kani-kanilang mga ring.




Pinasinayaan mismo ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" Dela Cruz Matabalao ang Ramadan Sports Fest para sa mga kawani ng kaniyang administrasyon. Aniya, maliban sa pagpapatanggal ng stress sa trabaho, makatutulong rin ito sa mga empleyado na matutong makibagay, makisama at makipagtulungan sa kanilang mga kasapi upang maaabot ang iisang layunin.

2 views0 comments
bottom of page