Naging isang malaking selebrasyon ang isinagawang Groundbreaking Ceremony sa Sitio Pagalungan, Bagua 1, Cotabato City ng mga proyekto na siyang pinondohan mula sa 2022 Transitional Development Impact Fund na siyang pinangunahan ni Member of Parliament (MP) Haron M. Abas.
Kabilang dito ang tatlong covered court na siyang ilalagay sa Nahda Central Academy, Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Rosary Heights 10, at BLGU ng Kalanganan Mother, Cotabato City. Maliban pa rito, mayroon ding ilalagay na kalsada sa Barangay ng Rosary Heights 10.
Magkakaroon rin ng isang Warehouse ang Bagua 1 na may sukat na 16.00m x 9.00m at isa pang Solar Dryer para sa kanilang barangay na may sukat na 15.00m x 20.00m.
Naroroon si City Administrator Abdulwahib Midtimbang bilang kinatawan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao at maghatid ng mensahe ng pasasalamat sa Bangsamoro Government.
Ang patuloy na pagsuporta ng BARMM sa Cotabato City ay kabilang sa mga tumutulong sa patuloy nap pag-unlad ng Cotabato City. Ang mga proyektong tulad nito na nagbibigay ng kaunlaran sa imprastraktura ay magagamit ng bawat Cotabateno at ng mga susunod pa na henerasyon.
Comments