top of page

CELEBRATION OF THE 45TH NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK

Updated: Aug 3, 2023


Kantahan at sayawan ng ating mga kababayang Persons With Disabilities o PWDs ang siyang naging pambungad sa padiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Persons with Disability and Rights: Towards a sustainable future where no one is left behind” na siyang isinagawa sa People’s Palace Lobby noong, July 17, 2023.





Ayon sa mensahe ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao na siyang inihatid ni Secretary to the City Mayor of Cotabato Guianodin “Jay” Abdillah, na masasabi lamang na tunay na administrasyong para sa lahat ang kaniyang pamamalakad sa panahong walang maiiwan na kahit ano o sinumang sektor sa inaaasam na pagbabago.


Dagdag pa ng alkalde, marami pa ring kinakaharap na mga balakid, diskriminasyon at kadalasan ay napag-iiwanan ang mga kababayan nating PWDs, lalong-lalo na ang mga kababaihang may kapansanan. Kaya’t kabilang sila sa nais ng administrasyong para sa lahat na mapabago at mapabuti ang kanilang estado sa buhay.





8 views0 comments

Comments


bottom of page