top of page

CCNHS-ROJAS WORK IMMERSION CULMINATING PROGRAM


Isinagawa ng Cotabato City National High School - Rojas (CCNHS-Rojas) ang pagbubukas ng kanilang Work Immersion Culminating Program na may temang "Enhancing 21st Century Competencies and Building Resilience theough Work Immersion" sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, ngayong araw, ika-2 sa buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.


Ayon naman kay City Mayor Representative ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" Dela Cruz Matabalao na si Atty. Nes Biruar Lidasan, maraming kinakaharap na pagsubok ang kabataang Bangsamoro tulad ng kapansin-pansin na pagtaas ng mga kabataang humihinto sa kanilang pag-aaral sa secondary level, pagtatrabaho ng mga fresh graduates na hindi tugma sa kanilang natapos na kurso, kakulangan ng technical vocational training facilities and courses para sa mga nais makapagtrabaho agad at marami pang iba.


Subalit, simula noong naririyan na ang Bangsamoro Government, mas nabigyan ng halaga ang edukasyon at kinabukasan ng kabataan at nagkaroon sila ng pagkakataong magkaroon ng malaking parte sa pagbabago ng komunidad ng Bangsamoro Region.


Ang Work Immersion na ito ang isa sa mga pagkakataong magkaroon ng field training ang mga kabataan na magsisilbing lugar na magbibigay sa kanila ng solid training at real-life work experience. Hamon ni Mayor Matabalao sa mga kabataang ito, ay mahalin ang kanilang trabaho saan man sila madestino sa hinaharap.


Tulungan nila ang Bangsamoro Government sa pamamagitan ng pagsusumikap at pagkakaroon ng dedikasyong maging matagumpay sa kahit anumang larangan.

2 views0 comments

Comments


bottom of page