Nasa 50 mga breastfeeding mothers ang dumalo mula sa 37 barangay ng Lungsod ng Cotabato sa isinagawang National Breastfeeding Awareness Month 2023 na siyang pinangunahan ng City Health Office - Nutrition Division headed by Bailinang Candao, RN sa pamumuno ni City Health Officer Marlow O. Niñal, MD, PHSAE.
Ang kasalukuyang Awareness Program na ito ay may temang: “Isulong ang ligtas at malusog na pagpapasuso para sa manggagawang Pilipina” na naglalayong ipalaganap ang kahalagahan ng breastfeeding para sa holistic development ng mga sanggol.
Kapag nakabreastfeed ang mga bata, mas mababa ang tsansa na sila ay magkaroon ng infection, malalang sakit, at nagsisilbi rin itong pagpapatibay ng social bond sa pagitan ng isang ina sa kaniyang anak.
Naroroon sina City Councilor and Health and Nutrition Committee Abdulkarim, Safe Motherhood Program Riza Joy Tanghal – Dabalos, RM at Medical Officer V Dr. Harris Ali. Ang naturang programa ay naglalayong masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan laban sa kahit ano mang sakit nang sagayon ay tuloy-tuloy ang pagbangon ng bawat mamamayang Pilipino.
Comentários