top of page

BJMP BARMM CELEBRATES ITS 32ND ANNIVERSARY AT MOA





Nagsilbing kinatawan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao si City Councilor Florante “Popoy” Formiento sa isinagawang selebrasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng kanilang 32nd Anniversary noong August 30, 2023 Mall of Alnor, Sinsuat Avenue, Cotabato City.


Ayon sa alklade, hinihiling nito na kanilang masilayan ang mas lalo pang pagyabong at mas lalo pang pag-usbong ng Bangsamoro Region. Nawa’y ang kagustuhan ng Bangsamoro Government na magkaroon ng positibong pagbabago sa rehiyon ay sumasabay at sakto rin sa adhikain ng kanilang organisasyon.


Dagdag pa nito, hinihiling din ng alkalde na kanilang gawing haligi ang dignidad, prinsipyo at paglaban sa ano mang uri ng korapsyon mula sa pinakamataas na opisyal hanggang sa pinakamasipag na kawani ng BJMP.


Dahil sa gampanin nitong nagpapanatili sa kahalagahan ng batas at hustisya, ang pagpapatuloy at pagpapatibay ng nasabing mga haligi ay ang magbibigay ng pag-asa sa mamamayang Bangsamoro na mayroon pang pag-asa at kakampi nila ang batas at hustisya sa panahon ng pangangailangan.




1 view0 comments

Comments


bottom of page