top of page

BFP CELEBRATES ITS 32ND ANNIVERSARY AT PAGANA


pinagdiwang ng mga kawani at opisyal mula sa Bureau of Fire Protection ang kanilang 32nd Anniversary na may temang “Modernong Bumbero” na siyang isinagawa sa Pagana Hotel and Restaurant noong, August 30, 2023.



Naroroon naman si City Councilor Florante “Popoy” Formiento upang maghatid ng mensahe ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao bilang kinatawan nito sa nasabing okasyon. Ayon sa alkalde, ano man ang galing ng ating mga bumbero, ay nararamdaman pa rin natin ang kakulangan sa kanilang serbisyo dulot ng kakulangan sa kagamitan at teknolohiya na mas makapagpapalabas ng kanilang abilidad.


Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin na pinapaalahanan ng alkalde na sila ay manatiling tapat at laging isaisip ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa panahon ng sakuna. Sa pamamagitan nito, mas kaya na nating panindigan ang mga katagang tuluyan nang nabago bilang isa world-class organization ang ating ahensiya.


Dagdag pa ng alkalde, huwag isakripisyo ang kredibilidad at imahe at panatilihin ang tamang asal nang sagayon, tayo ay rerespetuhin, gagalangin, at pagkakatiwalaan. Sa panahong mapanatili ito, hindi lamang natin mapoprotektahan ang kasalukuyan, kundi maging ang kinabukasan ng ating bayan.

2 views0 comments

Comments


bottom of page