Nakatanggap ng pagkilala at gantimpala ang mga manlalaro ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao matapos nitong mabalitaan na kanilang nasungkit ang ginto at pilak na medalya sa kagaganap lamang n 1st Kyokushinryu World Tournament na siyang ginanap sa Caloocan Sports Complex.
34 na mga bansa ang naglaban laban o higit na 100 manlalaro ang nagpakitang gilas ng kanilang lakas at bilis sa naturang sport. Sina Abdulquddos Mohamad (Champion), Ahmadinnie Talapas (1st runner up), at Dondon Gonzales ang siyang naging kinatawan ng rehiyon at nagdala sa pangalan ng di lamang ng BARMM Region, kundi maging ng Cotabato City.
Ikinatuwa na man ito ng alkalde kung kaya’t ipinaalam agad nito na makakakuha ito ng suporta sa kaniya at sa susunod na laban nito, sila ay inabisuhang dumaan muna sa Palasyo ng Masa upang sila ay mabigyan ng pinansiyal na suporta nang sagayon ay buo ang kanilang atensyon sa pag-eensayo at pagkamit muli ng gintong parangal.
Comments