top of page
  • Writer's pictureAdmin

BANGSAMORO BOARD OF INVESTMENTS AND ASIA ACADEMIC INTEGRATED SCHOOL


Bumisita si Muhammed Abouzed mula sa Asia Academic Integrated School kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Matabalao kasama ang mga kawani ng Bangsamoro Board of Investments at mga religious leaders mula sa Purveyor’s Village sa Rosary Heights 11, Cotabato City.


Si Mayor Matabalao ang nagsilbing mediator sa pagitan ng eskwelahan at ng mga residente ng nasabing lugar dahil sa nangyaring hindi pagkakaintindihan hinggil sa usapin patungkol sa lupa at paggamit ng major road ng nasabing village.


Sa ngayon, patuloy pa rin ang negosasyon sa pagitan ng dalawang panig at pinayuhan ito ni Mayor Matabalao na maging kasama sa usapan ang Home Owners’ Association upang magkaroon ng solusyon na ikakabenepisyo ng lahat.

1 view0 comments
bottom of page