Isinagawa noong June 24, 2023 sa bagong People’s Palace Grounds, ang Bandigmaan Battle of the Bands para sa selebrasyon ng 64TH Araw ng Cotabato na siyang nilahukan ng iba’t ibang banda, hindi lamang sa loob ng Cotabato City, kundi maging mula sa ibang rehiyon.
Itinanghal na kampyeon ang Bureau of Fire Protection (BFP), ikalawa naman ang Restless band, at ikatlo naman ang Apat na Kwerdas. Napuno ng kantahan, naglalakasang hiyawan at na may kasamang pag-indak ang mula sa mga manonood ang buong kumpetisyon.
Kabilang sa mga bandang lumahok ay ang Outrage, Troopers, Fusion Band, The Clarity at Poison Souvenir.
Isa ito sa mga patunay na nagsisimula nang magbago ang lungsod. Ang Cotabato City ngayon ay tinutungo na ng mga talentadong grupo at indibidwal at layunin ng administrasyong para sa lahat na ito ay mas palawigin at mas bibigyan ng halaga.
Komentar