Ipinakita na ng Cotabato City Government sa pangunguna ni City Planning and Development Officer Engr. Ma. Adela Fiesta ang Annual Investment Program para sa taong 2024 sa Golden Lace, Cotabato City
Naroroon ang mga department heads ng Cotabato City Government, Barangay Officials, at mga representante mula sa Ministry of Interior and Local Government (MILG-BARMM) upang sila ay makapagbigay rin ng feedback para sa naturang plano.
Matapos itong maplantsa at makuha ang mga huling revisions sa programa, ipapasa ito sa 17th Sangguniang Panglungsod na siyang pinangungunahan ni Vice Mayor Johari “Butch” Abu upang maging opisyal na ito na plano para sa Lungsod ng Cotabato sa susunod na taon.
Comments