top of page

AIR TRANSPORTATION SERVICES SUMMIT


Sa layuning mapabuti ang administrasyon at operasyon ng transportasyong panghimpapawid, nagsagawa ang Ministry of Transportation and Communications kasama ang Bangsamoro Airport Authority (BAA) at Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro (CABB) ng isang pagtitipon na may temang “Enriching BARM's Future:

Catalyzing Growth and Development through Enhanced Air Transportation Services” ngayong araw, ika-10 ng Oktubre sa Kutawato Hall, Em Manor Hotel and Convention Center, Cotabato City.


Layon ng pagtitipon na palakasin ang ugnayan at mekanismo ng pagbabahagi ng impormasyon sa mga ahensya at stakeholder upang tiyakin ang ligtas, mabilis, at maaasahang mga usapin kaugnay ng transportasyong panghimpapawid. Layunin din nito na pagtugma ng pagbuo at pagpapatupad ng mga batas, patakaran, at regulasyon sa pagitan ng mga entidad sa kanilang mga mandato at tungkulin.



Dahil dito, buong pusong pinasalamatan ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ang MOTC, BAA at CABB na patuloy na naglalayong maging daan tungo sa mas mapabuti at mas mataas na antas ng serbisyo sa transportasyong panghimpapawid, na magbibigay kontribusyon sa pag-unlad at paglago ng rehiyon ng Bangsamoro.

1 view0 comments

Comments


bottom of page