Ikinasa sa araw na ito, July 13, 2023 ang Accelerate Women eCommerce Hub: Website Orientation and Enrollment for Participating Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Negosyo Center, People’s Palace, Cotabato City.
Pokus ng naturang aktibidad ay ang pagtulong sa mga negosyante kung papaano mag-operate at pumasok sa online selling.
Sa kasalukuyang panahon, nahahanap na ang lahat ng bagay na kinakailangan sa social media sites, smartphone applications at sa internet, kung kaya’t malawak at malaki ang market ng mga negosyo kung makakapag-engage ang mga ito sa sa naturang platforms.
Maliban pa rito, tinuruan din sila ng tamang marketing strategy at paggamit ng mga online shops at mga estilo sa tamang pagpicture sa mga produkto nang sagayon, ay maeengganyo ang mga mamimili sa kanilang ibebenta online.
Comments