Pormal nang sinimulan ng Cotabato City Government ang ika-animnapu’t apat na taon ng Araw ng Cotabato sa isinagawang Grand Parade mula City Plaza hanggang People’s Palace, ngayong unang araw ng Hunyo 2023.
Sa kanyang Welcome Message, sinabi ni Atty. Nes Lidasan, representante ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, na sa nakalipas na 64 na taon, huwag nating kalimutang makibahagi sa pagdiriwang ng ika-64 na Araw ng Cotabato na may pasasalamat sa mga taong naging pundasyon ng matatag na pag-unlad ng Lungsod ng Cotabato.
“It is important to note as well how this event brings to the fore our inherent strengths as a people—our warmth, our communal spirit, and our dedication and industry, of which this year’s Araw ng Cotabato is sure to be bigger, brighter, and more successful than ever,” dagdag niya.
Samantala, full force naman ang city government employees and staff sa pangunguna ng mga Department Heads, Deputy Mayors, Cotabato City Police Office at iba pang mga stakeholders at organisasyon sa parade.
Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang mga Cotabateño maging ang mga residente mula sa karatig na probinsya ng lungsod na maki isa at maki saya sa selebrasyon ng 64th Araw ng Cotabato.
Comments