Isa sa mga paraan ng pagpapatibay at pagpapalakas ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng Lungsod ng Cotabato ay ang pamamahagi ng kaalaman patungkol sa kung papaano magpatakbo ng negosyo kung kaya’t isinagawa ang pagtuturo sa Fundamentals of 5S Good Housekeeping for Business sa People’s Palace ngayong araw, April 27, 2023.
Sa pambungad na talumpati na inihatid ni City Administrator Atty. Aelan Arumpac, natutuwa ito dahil nadagdagan ang kaniyang kaalaman. Ayon sa kaniya, hindi lamang tio magagamit sa pagpapatakbo ng negosyo kundi pat imaging sa sariling tahanan at sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.
Si Chief Trade Industry Development Specialist-Industry of Development Division of DTI Regional Office 12 Ma. Theresa T. Chua ang siyang naghatid ng kaalaman patungkol sa 5S (Sort, Sweep, Systematize, Sanitize, and Self- discipline) program na siyang dinaluhan ng 40 participants na kinabibilangan ng MSMEs owner sa lungsod. Naisagawa ito sa tulong ng Negosyo Center of Cotabato City, isa lamang ito sa kanilang program ana naglalayong payabungin ang mga MSMEs ng Cotabato City.
Ang layunin ng 5S Program ay matulungan ang mga negosyo sa Cotabato City na mapataas ang kanilang productivity at maging organize upang mabawasan o maiwasan ang mga pagkakamali na maaring magresulta sa dagdag gastos. Matutulungan din nito ang mga empleyado ng bawat MSMEs na maging masaya at aktibo sa kanilang mga tungkulin na magreresulta sa tuloy-tuloy na pag-unlad.
Comments